-- Advertisements --

Mas kakampihan umano ng ilang mga boxing superstars si pound for pound king Terence Crawford sakaling matuloy ang nilulutong megabout sa pagitan nila ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.

Ayon kay Mexican legend Juan Manuel Marquez, mahihirapan daw si Pacquiao sa talino at pagiging malikhain ni Crawford sa ibabaw ng ring.

“Pacquiao is intense but Crawford’s a smart dude. If Pacquiao was to push at him like he would probably do to me, Crawford could possibly outbox him. I probably see Crawford beating him,” wika ni Marquez.

Magugunitang apat na beses nagtuos sina Pacquiao at Marquez kung saan ang huling bakbakan ay nangyari noong 2012.

Inihayag naman ng Australian boxer na si Jeff Horn, bagama’t intense daw si Pacquiao ay tiyak umanong magagapi ito ng kasalukuyang WBO welterweight champion.

“Pacquiao is intense but Crawford’s a smart dude. If Pacquiao was to push at him like he would probably do to me, Crawford could possibly outbox him. I probably see Crawford beating him,” ani Horn, na nagwagi sa kontrobersyal na laban nila ni Pacquiao noong 2017.

Kung ang matalik naman na kaibigan ni Crawford na si Timothy Bradley ang tatanungin, handa raw ang three-division world champion na harapin kahit sino, maski pa ang eight-division champion na si Pacquiao.

Bagama’t mistulang ang four-division champion na si Mikey Garcia ang posibleng makaharap ni Pacquiao, iginiit ni Crawford na noon pang 2015 nito inaasam na kalabanin ang Fighting Senator.