-- Advertisements --
Nagtala ng record ang The United Arab Emirates (UAE) matapos na matagumpay ang kanilang Mars mission.
Nakarating na kasi sa tinaguriang red planet ang kanlang Hope Probe ng makapagbato ito ng signal sa nasabing bansa.
Dahil dito ay naging pang-limang bansa na ang UAE na sa kasaysayan na nakarating sa Mars at siyang unang Arab country na nakagawa nito.
May dalang tatlong scientific instrument ang Hope Probe kung saan inaasahan na makumpleto nila ang pagkuha ng larawan ng Martian atmosphere.
Mangungulekta sila ng iba’t-ibang data points sa planeta at susukatin din nila ang seasonal at ang pagbabago kada araw.
Isa ang mission sa tatlong inilunsad noong Hulyo na kinabibilangan ng Preserverance rover ng NASA at Tianwen-1 mission ng China.