Nagpaliwanag ang Office of the Solicitor General (OSG) hinggil sa pagtanggi ng pamahalaan na tanggapin ang US $20-million settlement na matatanggap ng mga biktima ng martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa OSG, hindi naaayon sa Saligang Batas ang panukalang deal gayundin na hindi patas para sa pamahalaan ang desisyon ng korte sa Amerika.
Kamakailan nang aprubahan ni Hawaii District Court Judge Manuel Real ang 13.75-million US dollar settlement para sa martial law victims.
Galing ito sa kita ng sinasabing ill-gotten paintings ni dating First Lady Imelda Marcos na ibinenta sa New York.
Sa ilalim ng kasunduan makakatanggap din sana ng US $4-million ang pamahalaan, habang ang matitira ay ibibigay sa mga sinasabing naka-diskubre ng umano’y Yamashita treasure.
Nauna ng humiling ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa Malacanang na payagan silang pumasok sa settlement agreement.
Pero batay sa memorandum ng OSG at Office of the Executive Secretary noong Enero hindi basta makakapasok ang PCGG sa kasunduan kung walang approval ng Department of Justice at OSG.
“The three agencies unanimously agreed that, in the best interest of the Republic, it will no longer enter into the settlement agreement,†ayon sa OSG.
“The OSG reviewed the terms of the proposed settlement agreement. Unfortunately, the terms were found to be grossly disadvantageous to the government and not in accord with existing Philippine laws and jurisprudence,†dagdag pa ng tanggapan.
Ito sana ang ikatlong settlement na matatanggap ng mga biktima ng martial law mula sa Estados Unidos kung saan inaasahan ang distribusyon ng US $1,500 sa 6,500 registered victims.
Sa panayam ng Bombo Radyo nagpahayag ng kanyang tugon ang martial law veteran at dating chairperson ng Commission on Human Rights na si Etta Rosales hinggil sa panibagong settlement agreement.
“Yung pera na naibigay ay hindi kahit na kailan masasagot yung malaking nawala sa mga pamilya; lalo na yung mga pinaslang; mga nawawala at hanggang ngayon hindi nahahanap,” ani Rosales.
“Pano mo ibabalik yung (nawalang) buhay (na) dahil pinatay ng militar sa ilalim ng (utos) ni dating Pangulong Marcos.