Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang ibang agenda ang kanilang rekomendasyon para palawigin pa ng isang taon ang pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao.
Sa pagharap ni Sec. Lorenzana sa joint session sa Kongreso, siniguro ng kalihim sa mga mambabatas na hindi magagamit ang Batas Militar sa pagpapalibang muli ng Barangay at SK elections sa Mindanao na nakatakda na sa susunod na taon.
Inihayag ng opisyal na wala silang nakikitang dahilan para hindi matuloy ang barangay elections.
Paliwanag pa ng kalihim, case to case basis na lamang kung kanilang irekomenda na suspendihin ang halalan.
Aniya, kung may mga violent incidents na mangyari na magdudulot ng pagpapaliban sa halalan ay kanila itong isusumite sa Commission on Elections (Comelec).