-- Advertisements --
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad ng Martial Law sakaling marami pa ring mga mamamayan na sumusuway sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.
Sa kaniyang talumpati ngayong Huwebes ng gabi, pinaghanda na niya ang mga kapulisan at militar para ipatupad ng mahigpit ang social distancing at curfew.
Gagawin lamang niya ito kapag patuloy itong makakatanggap ng ulat ng walang disiplina sa ipinapatupad na lockdown.
Hindi rin ito pinalagpas ang mga benepisaryo ng tulong mula sa gobyerno kung saan imbes na ibili ng pagkain para sa pamilya ay napupunta sa bisyo.
Ayon pa sa pangulo na kaniyang ipapaaresto at kakasuhan ang mg ito.