Malaking advantage sa pagpapanatili ng peace and order sa buong Mindanao ang umiiral na Martial Law ngayon lalo na sa nalalapit na 2019 midterm elections.
Itoy matapos ideklara ng Commission on Election na hotspots ang buong Mindanao dahil sa mga naitalang election elated violent incidents nuong mga nakaraang halalan.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Noel Detoyato malaking tulong ang umiiral na batas militar sa kanilang misyon ngayong halalan.
Sinabi ni Detoyato inaasahan na magkakaroon ng security adjustment at re-alignment ng mga tropa sa Mindanao.
Sa panahon ng halalan, nasa ilalim ng Comelec control ang militar at pulisya kung saan ang poll body ang siyang magtitimon at magbibigay ng direktiba sa mga gagawing hakbang na may kaugnayan sa eleksiyon.
Sa ngayon naghahanda na ang AFP para sa halalan kabilang na ang mga posibleng contigencies na ipapatupad sakaling magkakaroon ng problema.
Nagpapatuloy din sa ngayon ang opensiba laban sa mga teroristang Abu Sayyaf, Dawlah Islamiya, BIFF, NPA at iba pang mga threat groups na nag ooperate sa bansa.
Nakatutok din ang militar sa mga extortion activities ng NPA lalo na ang kanilang permit to campaign fees.