Aminado si Defense Secretary Delfin Lorenzana na malaking tulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao dahil makokontrol na ng militar ang galaw ng mga terorista.
Pagtiyak ni Lorenzana na lahat ng dapat gawin sa martial law ay ipapatupad ng militar gaya ng pag kontrol sa galaw, searches o paghahalughog sa mga lugar pag aresto o pag detene ng mga tao.
Sinabi ng kalihim na suspendido na rin ngayon ang writ of habeas corpus.
Samantala, magsasagawa ng assessment ngayong umaga ang militar kung dapat na bang ilikas ang mga sibilyan lalo na sa Marawi City na sinalakay ng Maute terror group.
Ayon sa kalihim na sa sandaling mayroon ng go signal na ilikas ang mga sibilyan, ang militar ang pagbibigay ng evacuation facilities gaya ng transportasyon na siyang gagamitin para ilikas sa mas ligtas na lugar ang mga sibilyan.
Kagabi dahil sa maraming snipers na nakapaligid sa Marawi City hinimok ng militar ang mga residente na huwag na munang lumabas ng bahay ng sa gayon hindi mapagkamalang kalaban.