-- Advertisements --

Nilinaw ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy pa rin ang pag-iral ng Martial Law sa Mindanao kahit pa matapos ang krisis sa Marawi City.

Paliwanag ni AFP spokesman, Brig. Gen. Restituto Padilla na hindi lang naman kasi Marawi City ang pinamumugaran ng mga teroristang Maute.

Ayon kay Padilla, dapat tandaan na hindi naman sa MarawiCcity galing ang Maute kundi mula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.

Sa ngayon hindi pa nakokompleto ang military operations sa Basilan, Sulu at Tawi Tawi kung saan nag-o-operate naman ang mga bandidong Abu Sayyaf.

Bukod sa ASG nandiyan pa ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na pasulpot sulpot din sa iba pang parte ng rehiyon.

Sinabi ni Padilla na mahalagang mabigyan din ng sapat na atensyon ng militar mga lugar na ito na patuloy na piniperwisyo ng mga teroristang grupo.

Malaking trabaho pa aniya ang naka atang sa balikat ng militar para ganap na malinis sa ibat ibang bandido at teroristang grupo ang maraming lugar sa Mindanao.

Tiniyak naman ni Padilla na sa sandaling maging “terrorist free” na ang buong rehiyon ay makatitikim na ng progreso ang mga mamamayan.