-- Advertisements --

Abala ngayon ang beteranong singer na si Martin Nievera para sa kaniyang 42nd anniversary concert.

Gaganapin ang “The King 4ever” sa Setyembre 27 sa Araneta Coliseum.

Sinabi nito na ang pagbabalik sa Araneta Coliseum ay tila isang home coming kung saan noong nagsisimula pa lamang ito ay dito ginanap ang mga concerts niya.

Itinuturing niyang happy place niya ang stage lalo na sa Araneta.

Tiniyak nito sa mga fans may mga kakaibang matutunghayan sila sa nasabing concert.