-- Advertisements --
SPIDERMAN
Spiderman/ Sony image

Pinasalamatan ng Sony Pictures ang Marvel Studios matapos na humiwalay na ito at hindi na sasama sa paggawa ng mga bagong Spiderman movie.

Sa tweet ng kumpanya pinasalamata nito ang president ng Marvel Studios na si Kevin Feige dahil sa pagtulong sa nasabing movie franchise.

Naging malaking tulong kasi si Feige sa dalawang huling Spider-Man films na siyang nagdala ng milyon sa Marvel Cinematic Universe (MCU).

Taong 1999 ng bilhin ng Sony ang film rights ng nasabing superhero.

Mula noon ay nakagawa na sila ng limang Spiderman movie, tatlo dito ay pinagbidahan ni Tobey Maguire at dalawa kay Andrew Garfield.

Noong 2016 ay nakipagkasundo ito sa Disney at Marvel Studios na dinala sa MCU.

Dito nagsimula ang mga pelikula kung saan nakita ang character ni Spiderman gaya ng “Captain America: Civil War”, “Spider-Man: Home Coming” , “Avengers: Infinity War”, “Avengers: Endgam” at “Spider-Man: Far From Home”.