-- Advertisements --

Hangad ni Marvin Agustin na mabigyan pa siya ng pagkakataon ng mga kustomer sa kanyang online business.

Ito’y matapos ulanin ng reklamo si Agustin dahil sa diumano’y delayed delivery at poor customer service sa in-order na cochinillo o ang pinadapang litsong biik para sa Noche Buena.

Ayon sa 42-year-old actor-entrepreneur, nagkaroon ng problema sa kanilang kitchen equipment at maraming courier ang nag-cancel ng delivery pero babawi sa mga nadismayang kustomer.

“Alam kong hindi ito excuse not to give you the service you deserve and expect. Lalo na sa araw na halos tatlong buwang pinaghahandaan ng bawat pamilyang Pilipino kung kaya’t napakahalagang huwag magkamali,” bahagi ng pahayag nito.

Napakahalaga aniya ng Pasko sa atin lalo’t nasa gitna pa ng pandemya ang bansa kaya dismayado rin siya sa sarili dahil nakaperwisyo ng mgma tao sa mahalagang okasyon.

“I am very sorry to each one of you. Maling-mali na nagpa-overwhelm kami sa mga di inaasahang problema, nagkulang kami sa aming serbisyo, at hindi namin agad-agad na natugunan ang inyong mga katanungan. At masakit man yung mga nababasa ko, tinatanggap ko lahat kasi talagang nagkamali ako,” dagdag nito.