Hindi pa rin lubos makapaniwala ang Pinay na nasa detah row sa Indonesia na si Mary Jane Veloso sa planong paglipat ng kaniyang kustodiya dito sa Pilipinas.
Sa kauna-unahang panayam kay Veloso mula ng lumagda ang PH at Indonesia ng kasunduan noong nakalipas na linggo para sa kaniyang tuluyan ng pag-uwi sa ating bansa, sinabi niyang isang miracle o himala ang planong paglipat sa kaniya.
Aniya, tuwing gigising siya sa umaga, iniisip niya ang kaniyang mga aspiration o pagnanais sa buhay na walang katiyakan. Kayat ang palagi aniyang ipinagdadasal sa Diyos ay bigyan siya ng isa pang pagkakataon na makauwi sa kanilang bahay at makasama ang kaniyang pamilya.
Kayat simula ng malaman niya ang balita, mas nangibabaw aniya ang kasiyahan dahil matapos ang halos 15 taon, makakauwi na siya sa kaniyang bansa at sa kaniyang pamilya na kaniyang pinakainaantay.
Sinabi din ni Veloso na kailangan niyang ihanda ang kaniyang sarili mentally at physically para harapin ang lahat kabilang na ang kaniyang pamilya.
Matatandaan na noong nakaraang linggo, sinabi ni Indonesia senior law and human rights minister Yusril Ihza Mahendra na nilagdaan ang isang practical agreement sa pagitan ng gobyerno ng PH at Indonesia para sa repatriation ni Veloso.
Inaasahan na makakalabas si Veloso sa Disyembre 20 bago mag-pasko at ang kaniyang parusang kamatayan ay ibaba sa habambuhay na pagkakakulong.