-- Advertisements --

Maaaring ikulong sa Palawan o Davao Prison and Penal Farm ang convicted on death row na si Mary Jane Veloso kapag nakabalik na ito ng Pilipinas sa Disyembre ngayong taon.

Ani Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr., pinagiisipan na nila kung saan mamamalagi si Veloso pagdating nito ng bansa.

Tatlong kulungan mula Metro Manila, Davao at Palawan ang kasalukuyang pinagpipilian ngayon ng ahensya.

Maaaring manatili si Veloso sa minimum security compound ng Correctional Institute for Women (CIW) kasama ang 20 iba pang mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Hahayaan din nila aniyang mamili si Veloso kung alin sa mga correctional facilities ang gusto nito.

Si Veloso ay makakatanggap din ng training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang makapagtrabaho ito sa mga plantasyon o depende sa skills na matutunan nito.

Samantala, pagdating ni Veloso mula Indonesia ay inaasahan na mananatili ito ng higit 2 o hanggang 4 na linggo sa diagnostics center para sumailalim sa full body examination upang malaman kung mayroon itong iniinda o kahit anong medical problems.