Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makakauwi na sa bansa si Mary Jane Veloso sa darating na Disyembre 18.
Ayon kay DFA Undersecreteray Tess Lazaro, na dakong ala-6 ng umaga ng Disyembre 18 ay makakarating na sa bansa si Veloso.
Magugunitang naaresto ang 39-anyos na si Veloso dahil sa pagbibit ng iligal na droga na heroin na nagtitimbang ng 2.6 kilos sa Indonesia noong 2010.
Taong 2015 ng kanselahin noon ni Pangulong Joko Widodo ang pagbitay sa kaniya dahi sa umanoy human trafficking.
Noong Hunyo 2023 ng binisita siya ng kaniyang kaanak sa Yogyakarta at noong Enero ay umapela ang pamilya nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kaniyang clemency.
Noong Nobyembre ng sinabi ni Pangulong Marcos ng magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at Indonesia na ilipat na sa bansa si Veloso kung saan pinasalamatan niya ang bagong Pangulo ng Indonesia na si President Prabowo Subianto.
Umapela ang magulang ni Veloso na kung maaari ay ilagay ito sa pasilidad na may mahigpit na seguridad dahil sa pangamba nilang pagbanta mula sa international drug syndicate.