-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Corrections na natapos na ang limang araw quarantine period ni Mary Jane Veloso.

Ayon sa ahensya, dahil dito ay inilipat na ito sa regular dorm ng Reception and Diagnostic Center sa loob ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Sa loob ng naturang dorm ay mamamalagi ito ng nasa 59 na araw.

Habang nasa loob ay sasailalim ito sa mandatory orientation, diagnostic at classification.

Makakasama ni Veloso sa loob ng naturang regular dorm na may 48×32 feet na sukat ang nasa 30 na bagong pasok na Persons Deprived of Liberty.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang, mahalaga na maging paliyar muna ang mga bagong bilanggo sa mga rules at regulations ng BuCor.

Tatalakayin rin sa mga ito ang mga karapatan at prebilehiyo ng mga bagong bilanggo.

Kaugnay nito ay ipinag-utos na ni Catapang sa mga personahe ng CIW na i-translate ang record ni Veloso sa Indonesia.