-- Advertisements --
Papayagan ng Bureau of Corrections si Mary Jane Veloso na makasama ang kanyang pamilya sa araw ng pasko habang nakapiit Correctional Institution for Women sa lungsod ng Mandaluyong.
Ayon kay Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., maaaring bumisita ang pamilya ni Veloso sa araw ng pasko para magkakasama ito.
Aniya, pagkatapos kasi ng limang araw na quarantine period ay maaari nang tumanggap ng bisita si Mary Jane.
Ang limang araw na ito ay mandatoryo sa lahat ng mga Persons Deprived of Liberty habang isasailalim rin ito sa kaukulang medical and physical examination.
Kahapon ay tuluyang nakabalik ng bansa si Veloso sakay ng flight mula sa Indonesia at nailipat na rin kaagad sa Correctional Institution for Women.