Posibleng maiuwi sa Pilipinas ang Pinay na nasa death row sa Indonesia na si Mary Jane Veloso sa Pasko ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Miyerkules.
Ayon kay DFA USec. Eduardo de Vega, hindi pa naisasapinal ang pag-uusap sa paglipat kay Veloso dito sa Pilipinas subalit umaasa silang matapos ito sa Pasko at maging matagumpay at hindi maantala.
Sinabi pa ng opisyal na ilang buwan na ang nakakalipas ay nag-reach out aniya ang Pilipinas sa Indonesia kaugnay sa kaso ni Veloso bilang panibagong simula ng relasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng bagong Pangulo ng Indonesia na si President Prabowo Subianto.
Nauna na ngang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw na nagkaroon na ng kasunduan sa Indonesian authorities para maiuwo dito sa bansa si Veloso.