-- Advertisements --

Isasailalim ng Bureau of Corrections (BuCor) si death row inmate Mary Jane Veloso sa limang araw na quarantine period pagbalik nito sa bansa.

Sa isang pahayag ay ipinaliwanag ng BuCor na bahagi ng kanilang protocol para sa mga bagong person’s deprived of liberty (PDL’s) na ilagay muna sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong si Veloso para sumailalim muna ito sa quarantine.

Ayon din sa pamunuan ng BuCor, mananatili sa isang designated isolation area si Veloso para sa isang medical observation kung saan isasagawa rin ang medical at physical examination sa kaniya para malaman kung may nararamdaman itong pisikal o mental na sakit.

Pagkatapos nito ay makikipagpulong naman si Veloso sa corrections supervisor bilang bahagi ng kaniyang registration process at para na rin magbigay ng contact information para sa pamilya at mga authorized vistors na maaari lamang bumisita sa kaniya.

Samantala, matatapos naman ang quarantine ni Veloso sa December 24 kung saan maaari na siyang mabisita ng kaniyang pamilya.