-- Advertisements --
Kinumpirma ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. na target nilang maikustudiya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City ang drug convict na si Mary Jane Veloso.
Sa ngayon ay pinoproseso pa rin ang mga dokumento nito ng mga otoridad sa Indonesia para maiuwi dito sa Pilipinas.
Ayon kay Catapang, sa kabila nito ay nakadepende pa rin sa Department of Justice kung saan ikukustudiya si Veloso.
Kahit wala pang desisyon ay naghahanda na ang Correctional Institution for Women sakaling i detain si Veloso sa naturang pasilidad.
Sinabi pa ni Catapang na bago ipasok si Veloso sa CIW ay susuriin muna ang kanyang kalusugan at iaasolate sa loob ng limang araw.