-- Advertisements --

Naitala ang panibagong record-low na 38% o nasa 9.5 million na pamilyang Pilipino na kinokonsidera ang kanilang sarili, ayon sa First Quarter 2019 Social Weather Survey (SWS).

Ang figure na ito ay 12 points na mas mababa kumpara sa December 2018 figure na 50% o nasa 11.6 million oamilya at apat na puntos na mas mababa kumpara sa nakalipas na record-low na 43% noong Setyembre 16 at Marso 2018.

Isinagawa ang naturang survey mula Marso 28 hanggang 31, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults nationwide at may sampling error margins na ±2.6 percent para sa national percentage, at ±5 percent naman para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

Ang latest Self-Rated Poverty survey na ito ay nagpapakita rin na ang Food-Poor rating ay nasa bagong record-low rin na 27% o nasa 6.8 million families.

Mas mababa ito ng pitong puntos kumpara sa 34% o nasa 7.9 million noong Disyembre 2018.