-- Advertisements --

Nasa ika-apat na araw na ngayon na mababa pa sa 1,000 ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos na mairehistro ng Department of Health (DOH) ang 941 na karagdagang nagkasakit.

Ang mga dinapuan ng virus sa bansa ay umaabot na ngayon sa 3,666,678

Samantala, mayroon namang naitalang 1,784 na gumaling at 109 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa bumaba naman sa 49,374 ang mga aktibong kaso.

Ang mga nakarekober na ay umaabot sa 97.1% o 3,560,425, at nasa 56,879 na ang namatay mula taong 2020.

Mayroon lamang isang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Of the 941 reported cases today, 833 (89%) occurred within the recent 14 days (February 20 – March 5, 2022). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (223 or 27%), Region 4-A (124 or 15%) and Region 7 (80 or 10%),” bahagi pa ng report ng DOH. “Of the 109 deaths, 11 occurred in March 2022 (10%), 59 in February 2022 (54%), 24 in January 2022 (22%), 1 in October 2021 (1%), 2 in September 2021 (2%), 5 in August 2021 (5%), 1 in July 2021 (1%), 5 in June 2021 (5%).”