-- Advertisements --
Bigong makadalo si Agriculture Sec. William Dar sa briefing ng Kamara hinggil sa implementasyon ng Rice Tariffication Law nitong umaga.
Subalit idinipensa naman ni Agriculture Usec. Airel Cayanan ang implementasyon ng naturang batas at iginiit na target nitong protektahan ang interes ng mga magsasaka.
Layunin din aniya nito na magbigay ng assistance sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pautang sa machinerym training, at pamamahagi ng rice seeds.
Samantala, sinabi ni Cayanan na nakatutok ngayon si Dar sa pagresolba sa patuloy na pagbasak ng presyo ng palay.
Ilan sa mga prayoridad aniya ng kalihim ay pataasin ang produksyon ng bigas pati na ang kita ng mga magsasaka, gayundin ang pababain ang production cost ng mga local farmers.