Inanunsiyo ng Department of Finance na humiling ang pamahalaan sa mga tollway concessionaires at operators para i-exempt mula sa pagtaas sa toll fees ang mga truck na nagtratransport ng mga agricultural goods.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang exemption ng mga truck ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan para matugunan ang mataas na halaga ng mga produkto gaya ng prutas, gulay at partikular na ang bigas.
Kung matatandaan nagpatupad ang Manila-Cavite Expressway (Cavitex) ng pagtaas ng toll fee noong Agosto habang ang North Luzon Expressway Corporation (NLEX) naman ay nagsimula ng mangolekta ng mas mataas na toll rates simula noong Hunyo 15.
Kinumpirma naman ni Finance Undersecretary Zeno Ronald Abenoja na pumayag ang private concessionaires sa panukala ng pamahalaan.