BAGUIO CITY – Mas mabangis na fighting Senator Manny Pacquiao umano ang matutunghayan bukas sa laban nito kay undefeated champion Keith Thurman.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Baguio sa isa sa mga cornerman at conditioning coach ni Pacman na si Marvin Somodio, sinabi niyang nabigla ito sa pagiging agresibo ni Pacquiao sa mga nakaraang sparring sessions.
Aniya, bumalik ang bangis ng senador at kitang-kita sa mga sparring sessions nito na nasasaktan niya ang kanyang sparring mates dahil mas lumakas pa ito kumpara sa mga nakaraan.
Pagkatapos ng weigh-in ni Pacquiao at Thurman ay agad na kumain ng Filipino dishes ang eight division world champion gaya ng nilagang baka, tinolang manok at maraming kanin.
Dagdag pa ni Somodio, tila mayroong little Filipino town sa MGM Grand dahil sa pagbuhos ng mga Pinoy na galing sa iba’t ibang panig ng mundo para ipakita ang suporta sa Pinoy ring icon.
Sa weigh in ng dalawang boksingero ay parehong tumimbang sina Pacquiao at Thurman sa 146.5 pounds.