CAUAYAN CITY- Ipinatupad ni Prime Minister Justine Trudeau ng Canada ang Emergencies Act bilang tugon sa lumalalang problema sa kilos protesta ng mga truck driver kontra COVID-19.
Dumami ang mga nagsasagawa ng protesta matapos umabot na sa 18 base ng mga truck driver.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Hajczar na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinatupad sa Canada ang Emergencies Act na magbibigay ng mas malakas na kapangyarihan sa mga otoridad na tugunan ang urgent critical condition sa Ottawa.
Noong nakaraang Biyernes ay ipinatupad sa Ontario ang State of Emergency ngunit walang naging epekto sa mga protesters dahil mas dumami pa ang mga tao sa Parliament Hill sa Ottawa.
Gayunman, naging maayos naman ang operasyon sa Ambassador Bridge dahil nabuksan na ito makaraang mapaalis ang mga nagprotestang truck drivers na lumipat sa Parliament Hill.
Samantala, sa border Crossing sa Alberta ay nakasamsam ang Royal County Police ng mga baril at bala mula sa mga protesters na nagpapatunay na handa silang lumaban sa mga otoridad.
Bukod sa mga nasamsam na armas ay inaresto ang labing-isang tao.