-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY-Tutol si Atty. Domingo Cayosa, dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines at miembro ng UP Vanguard Fraterniy na buwagin ang mga fraternity sa bansa.

Sinabi ni Cayosa na sa bawat organisasyon, samahan o asosasyon ay hindi maiiwasan ang ilang pang-aabuso tulad ng hazing subalit hindi tugon ang pagbuwag upang matuldukan ang ganitong mga insidente.

Ayon kay Cayosa, ang pagkakaroon ng fraternity ay bahagi ng freedom of association na nasa ilalim ng saligang batas.

Dahil dito, sinabi ni Cayosa na sa halip na buwagin, gawing mas mabigat at mabilis ang civil liability at isulong ang mas matibay na institutional liability sa mga fraternity bukod pa sa criminal liability ng sangkot sa hazing.

Bukod dito, sinabi niya na dapat na i-blacklist, suspendihin o tanggalan ng legalidad ang isang fraternity na may nangyayaring hazing.

Naniniwala din si Cayosa na dapat na i-overhaul ang criminal justice system at ipatupad ang matagal na niyang advocay na ” justice bilis”.