-- Advertisements --

Nakatakdang magalabas ang Bangladesh ng mas mabigat na kaparusahan sa mga rape suspek.

Sinabi ni Law Minister Anisul Haq, na pinag-aaralan ng kanilang mga matataas na opisyal ang kaparusahan na ipapataw.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng rape sa kanilang bansa.

Pinakahuli dito ay ang brutal na gang rape sa isang 37-anyos na babae na nag-viral pa sa social media.

Umaabot na kasi sa 1,000 na kaso ng rape ang naitala sa nasabing bansa ngayong taon lamang.

Bukod pa dito ay maraming mga kaso ang hindi na naisusumbong sa mga kapulisan dahil na rin sa takot ng mga biktima.