-- Advertisements --
Isasama na rin sa babalangkasing report ng Senate committee on justice ang panukalang mas mabigat na parusa laban sa mga magsisinungaling sa korte at congressional inquiry.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, napapanahon ito dahil napapansin nila ang matinding pagsisinungaling ng ilang resource person sa public hearings ng Senado ukol sa BuCor controversy.
Sa ilalim ng panukala, gagawing mas mabigat ang parusa sa mga hindi nagsasabi ng totoo sa imbestigasyon.
Maaari na silang patawan ng anim na taong pagkakakulong o higit pa, maliban sa multang ipapataw depende sa laki ng epekto ng pagsisinungaling.