-- Advertisements --
House Congress
House of Representatives

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagpapataw ng mas mabigat na parusa para sa child abuse, exploitation at discrimination.

Sa botong 228 na affirmative at zero na negative, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 137 o ang proposed “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”

Layon ng panukalang ito na masawata ang exploitation sa mga kabataan sa pamamatigan nang pagpataw ng mabigat na parusa sa mga gagawa nito at para na rin mapalakas pa ang proteksyon ng mga kabataan.

Sa ilalim ng panukala, ang magbubugaw sa mga kabataan ay papatawan ng hanggang 17 taon at apat na buwan na pagkakakulong.

Papatawan naman ng parusang reclusion perpetua ang bugaw na gagamit ng batang may edad na 12-anyos o pababa.

Aabot naman sa 20 taon na pagkakakulong ang aabutin ng kaanak ng biktima na nagbubugaw dito.

Bukod dito, sinuman ang sangkot sa child labor practices ay papatawan ng parusang isang taon at isan araw hanggang anim na taon na pagkakabilanggo na may kasamang multa na hindi bababa sa P100,000 hanggang P300,000.

Ang mga employer naman ng mga kabataan na ito ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P200,000 pero hindi naman lalagpas sa P1 milyon na pagkakakulong ng hindi bababa sa 12 taon at isang araw hanggang 20 taon.

Ang mga sangkot naman sa diskriminasyon sa mga kabataan na mula sa cultural communities ay papatawan din ng dalawang taon, apat na buwan at isang araw na pagkakabilanggo hanggang apat na taon at dalawng buwan at multa na hindi bababa sa P50,000 pero hindi naman lalagpas sa P100,000.