-- Advertisements --
Inanunsiyo na ni US President Donald Trump ang mas mabigat na sanctions sa Iran.
Ito ay bilang ganti sa ginawang pagpapabagsak ng Iran sa kanilan US drone.
Sa pinirmahang executive order pinagbabawalang sina Iran supreme Leader Ayatollah Ali Kahmenei at mga top diplomat ng Iran gaya nina Foreign Minister Javad Zarif na maka-access sa financial instruments.
Kasama ni Trump na inanunsiyo ang sanctions sina Vice President Mike Pence at Treasury Secretary Steve Mnuchin.
Dagdag pa ni Trump na dahil sa magkakasunod na magaspang asala ng Iran noong nakaraang mga araw ay nararapat na patawan sila ng matinding sancitons.
Patuloy pa rin nilang dadagdagan ang pressure sa Iran para hindi makakuha ng nuclear weapon ang nasabing bansa.