-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Cordillera na mas mapapabilis ang konstruksyon ng mga bagong school buildings sa rehiyon.
Aminado si Engr. Rex Oya-oy mula sa DPWH-Cordillera na maraming mga rason kung bakit matagal ang pagpapatayo sa mga school buildings sa rehiyon.
Aniya, kadalasang kulang ang trabahador ng mga kontraktor gayundin na nagiging dahilan din ang pabago-bagong kalagayan ng panahon.
Gayunpaman, sinabi niya na pinaalalahanan ng DPWH ang mga kontraktor para mas bilisan ang pagpapatayo sa mga paaralan sa iba’t-ibang bahagi ng Cordillera Administrative Region.