-- Advertisements --

Sa kabila ng ilang mga pagpapaliban ng Commission on Elections (COMELEC) pagdating sa pag-imprenta ng mga balota noong mga nakaraang buwan, ipinahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na sa kasalukuyan nalagpasan na nila ang kanila target na timeline sa pag-iimprenta ng mga balota. Samantala, ayon din sa komisyon na tiniyak nilang may mga sobrang Automated Counting Machines (ACMs) para kapag nasira ang mga makina sa araw ng eleksyon, mabilis itong mapapalitan.

Sinabi ni COMELEC Chairman Garcia na sa ngayon mabilis na ang pag-imprenta ng mga balota at inaasahan na matatapos ito sa Marso. Samantala, ang pagbeberipika naman ng mga ito ay matatapos sa Abril. Pagkatapos nitong lahat, ito ay kanilang ipa-pack at ishi-ship na sa iba’t ibang lugar sa bansa para magamit sa halalan. Kaugnay pa nito, 7.5 hanggang 8 seconds lang ang kinoconsume ng mga human verifiers sa pagbeberipika, kasama na rito ang manual at machine verifications.

Samantala, matapos nito ay isasagawa na sa lahat ng presinto ang final testing and sealing. Ito ang proseso kung saan bubuksan ang lahat ng voting precincts sa buong bansa at kukuha ng 10 botante upang subukan ang orihinal na mga balota at kung gumagana ba nang maayos ang mga Automated Counting Machines (ACMs). Tiniyak naman ni Garcia na pagkatapos nitong lahat ay irere-zero nila ang lahat ng makina para back-to-zero ang mga boto pagdating sa araw mismo ng halalan.

Sa kaugnay pang balita, tiniyak din ng poll body na maglalaan sila ng walo hanggang siyam na mag naka-standby na mga Automated Counting Machines (ACMs) sa bawat munisipyo bilang contingency machines. Aniya, kung sakali mang masira sa araw mismo ng halalan ang mga makina, dadalhin lamang ito sa mga bayan upang palitan at mayroon na ring repair hubs sa 110 areas sa buong bansa.