-- Advertisements --

Nangako si Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Samuel Zacate na gawing mas epektibo ang proseso ng pag-apruba ng mga gamot at mas abot-kaya alinsunod na rin sa layunin ng Pangulo para mas maging accessible at mas murang mga gamot para sa ating mga kababayang Pilipino.

Sa ilalim ng liderato ni Zacate, tiniyak nito ang registration process ay mas magiging efficient kung saan magbebenipisyo pareho ang manufacturers at mga consumers.

Inihalimbawa ng opisyal ang nagpapatuloy na mekanismo para sa registration gaya ng Information Technology System of the Center for Drug Regulation and Research kung saan darating aniya ang panahon na ang importasyon ng mga gamot ay mas magiging mabilis na.

Nangako din ito ng suporta sa panawagan ng Pangulong Marcos Jr na palakasin ang local pharmaceutical manufacturing sector para matiyak na may suplay ng kinakailangang mga essential madicines sa ating bansa.