Pinuri ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo nitong araw ang gumagandang economic at trade ties sa pagitan ng Pilipinas at China.
Sa kanyang keynot speech sa ikalawang araw ng Boao Forum for Asia (BFA) Manila Conference sa Shangri-La hotel sa The Fort, Manila sa lungsod ng Taguig, hinikayat din ni Arroyo ang mga Chinese businessmen na patuloy na mag-invest sa Pilipinas.
“Bilateral relations between the Philippines and China have reached new heights in recent years. And this is evident in what our speakers have mentioned yesterday already, especially Executive Secretary [Salvador] Medialdea. It is evident in the jump in China’s investment in the Philippines, and in China becoming the Philippines’ number one partner in trade,†ani Arroyo.
Si Arroyo ay miyembro ng board of directors sa BFA, isang non-profit organization sa Hainan, China.
Dito nagtitipon-tipon ang mga lider mula sa gobyerno, negosyo at academe sa Asia at iba pang mga bansa para pag-usapan ang iba’t ibang issues sa rehiyon.
Idinaos sa Manila ang BFA forum kasunod ng imbitasyon ng Pampanga 2nd District congresswoman para makahikayat ng mas marami pang Chinese investors sa Pilipinas.