-- Advertisements --
ZAMBOANGA CITY – Sinuspinde ng Simbahang Katoliksa sa Singapore at Hong Kong ang pampublikong misa upang mapigilan ang pagkalat ng Coranavirus Disease 2019 (COVID-19).
Kasunod ito na 60,000 katao na ang nahawaan at umaabot na higit 1,000 ang namatay kung saan ay karamihan nito ay nagmula sa bansang China.
Maliban sa pampublikong misa, sinuspendi rin ang lahat na public events gathering na may maraming bilang ng tao ang nagtitipon-tipon kagaya na lang ng retreats, seminars at formation sessions.
Sa eksklusibong panayam ng Star FM Zamboanga kay Marlyn Caballero, isang OFW sa bansang Singapore, sinabi nito na itinaas na sa nasabing bansa ang quarantine period sa 28 days upang masiguro ng mga otoridad ang kaligtasan ng lahat.