-- Advertisements --

Mas magiging mahaba na ang oras ng gabi kumpara sa araw dahil sa pag-uumpisa ng autumnal equinox.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, magsisimula ang ganitong astronomical event mamaya.

Sa ganitong sitwasyon, mapapansing maaga ang paglubog ng araw habang matagal naman kaysa sa dating oras bago ito sumikat sa susunod na araw.

Paliwanag ng mga eksperto, nangyayari ito dahil sa pagtawid ng celestial equator patungo sa southward direction, kung saan mas nakakubli ito sa direktang pagtama ng sikat ng araw.