-- Advertisements --
Mas mahaba nang gabi kaysa araw ang mararanasan ng mga Pinoy matapos ang panahon ng taglagas o autumnal equinox ngayong araw, September 23.
Nangyayari ang autumnal equinox o taglagas kapag ang araw at gabi ay may halos pantay na haba sa earth.
Alas-3:50 mamayang hapon magaganap ang autumnal equinox sa Pilipinas.
Ayon sa PAGASA, ang mahabang gabi ay bunsod ng paglapit ng araw sa equator.
Ito ay dahil bababa na ang araw sa ilalim ng celestial equator patungo sa katimugang hemisphere.
Dahil dito, mas mahaba na ang araw at maikli ang gabi sa mga bansa sa southern hemisphere samantalang mas maikli ang araw at mas mahaba ang gabi sa mga bansang nasa northern hemisphere kasama na ang Pilipinas.