Kinatigan ng tatlong ahensya ng gobyerno ang mas mahabang panahon ng wiretapping para sa mga suspected terrorists.
Sa magkakahiwalay na pahayag, sinang-ayunan ng Department of Justice (DoJ), Department of Interior and Local Government (DILG) at DepartDND ang panukalang batas na nagpapalawig mula sa 30 araw patungo sa tatlong buwan na monitoring sa mga pinaghihinalaang terorista.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, napapanahon nang amyendahan ang Human Security Act of 2007 dahil sa pagiging agresibo ng ilang terrorist organizations.
Sa prosesong ito, Court of Appeals (CA) ang magbibigay ng “go signal,” kung makikitaan ng basehan ang pag-wiretap sa isang indibidwal.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang pag-monitor sa lawyer-client communication, doctor-patient communication at journalists to sources connections.