-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagsimula na ngayong araw ang pagpapatupad ng mas mahigpit na border control sa lungsod at lalawigan ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. , sinabi nito na hindi na papagayan na pumasok sa Iloilo City at Iloilo Province ang mga may non-essential o hindi mahalagang lakad.

Nakalagay sa Executive Order (EO) 175 ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. na kailangan ang travel pass para sa mga indibidwal na pinapayagan na makadaan sa control points.

Sa kukuha naman ng Company/Employer Travel Pass, ito ay ibibigay ng duly authorized officer.

Ang mga empleyado naman na nakatira sa lalawigan at nagtatrabaho sa Iloilo City ay nararapat na kumuhan ng travel pass sa kompanya o employer.

Hindi naman required ang Travel pass kung mayroong medical emergencies.

-Mula Hunyo 4 hanggang Hulyo 1, 2021, ang mga Returning Residents ng probinsya, Authorized Persons Outside Residence (APOR) at Overseas Filipino Workers (OFWs) lang ang pahihintulutan na makabyahe lalawigan ng Iloilo.

Ang mga returning residents ay nararapat na magdala ng government identification card (ID) bilang patunay na residente ng probinsya.

Ang mga APOR ang kailangan rin ng ID at travel order.

Habang mga mga driver naman ng public utility vehicles (PUVs) ay hindi na kailangan ng travel pass.

Kailangan rin ang local government unit (LGU) travel pass kung bibili ng gamot o essential goods maliban na lang kung emergency travel.