Ipinanukala ngayon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang pagpapatupad ng mas mahigpit na person to person evaluation sa mga indibidwal na magpaparehistro ng kanilang SIM registration.
Ito ang kasunod na hakbang ng naturang komisyon matapos sitahin ang mahinang security features ng mga telecommunications company sa bansa pagdating sa implementasyon nito ng SIM Card Registration.
Batay kasi sa isinagawa nitong live demonstration ay tinanggap at nakapasa sa SIM card registration ang picture ng isang cartoon character na kanilang ginamit para makapagparehistro.
Bukod dito ay madali rin anila silang nakapag-fill up ng mga personal information sa website ng telco kahit puro letra lamang ang gamitin.
Dahil dito ay iminungkahi rin nila sa mga telco ang pagpapatupad ng mas mahigpit na verification upang matiyak na walang makakalusot na mga scammer sa kanilang security.
Samantala, kaugnay nito ay nagpaalala naman si Presidential Anti-Organized Crime Commission Usec Gilbert Cruz sa publiko na maging maingat at palaging isaalang-alang ang “Know Your Client” rule upang hindi mabiktima ng anumang uri ng mga panloloko