-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Mas mahigpit na ngayon ang pagbabantay ng Baguio City Health Office sa sakit na polio.

Ito ay matapos makumpirma na naitala ang mga kaso ng polio sa ilang lugar sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Rowena Galpo, City Health Officer, sinabi niya na bumalik sila sa pagbantay sa sakit na acute flaccid paralysis.

Pinayuhan nito ang mga mamamayan na agad nilang ipagbigay-alam opisina kung mayroon silang kakilalang nanghihina ang paa.

Muli ay ipinaliwanag ni Galpo na wala pang natutuklasang gamot sa polio dahil isa itong viral infection.

Gayunpaman, tiniyak niya na maiiwasan ang polio sa pamamagitan ng vaccination o pagbakuna.