Magpapatupad ngayon ng mas mahigpit na monitoring sa mga online applications ang Department of Information and Communications Technology.
Sa isang pahayag ay sinabi ng naturang kagawaran na mas hihigpitan pa nito ang pagbabantay sa mga online applications partikular na sa mga delivery applications, payment platforms, at shopping platforms.
Ito ay sa pamamagitan ng inilunsad na Consumer Application Monitoring System platform ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng DICT.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, layunin nito na matiyak ang protection mga consumer at pamahalaan.
Sa pamamagitan kasi ng Consumer Application Monitoring System platform ay maaari nang matukoy ng isang indibidwal kung aling mga applications ang mayroong magandang performance.
Samantala, sa ulat ay sinabi rin ng ahensya na ipapakalat ang naturang monitoring system sa 100 city locations sa buong bansa kabilang na ang National Cybercrim Hub.