-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Asahan na ang mas mainit na temperatura dahil sa warm and dry season.

Ito ang naging pahayag ni Venrio Biñan sa PAGASA Gensan kung saan umabot sa 32.7 degrees celcius ang temperatura sa Gensan kahapon.

Samantala batay rin sa five days heat index projection ng PAGASA mula April 18-22 sinabi ni Biñan na maglalaro ito sa 51 degrees celcius.

Samantala nilinaw din nito na wala pang El Niño ngunit nagpakita lamang ng mga indikasyon ang klima dahil sa warm and dry season na nagsimula sa nakalipas na buwan ng Marso.