-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Asahan na raw na aabot hanggang sa 39 degrees Celcius ang temperatura sa lungsod ng Tuguegarao ngayong araw habang ang heat index ay tinatayang nasa 42 degrees Celcius na maituturing ng dangerous level.

Ayon kay Lino Aquino ng PAG-ASA, ang temperatura kahapon sa Tuguegarao ay 38.5 degrees Celcius habang ang heat index ay nairehistro naman sa 41 degrees Celcius.

Ang Tuguegarao ang isa sa pinakamainit na lugar sa buong Pilipinas tuwing summer.

Umabot sa 44 degrees Celcius ang naitalang pinamainit na temperatura sa lungsod noong mga 1950’s.