Plano ng Department of Trade and Industry na maging pangunahing supplier ng Durian ang Pilippinas sa bansang China.
Ayon kay USEC Ceferino Rodolfo, mataas ang interest ng China sa durian, matapos ang inisyal na pagpapadala sa China ng mga naturang produkto.
Pumapayag din aniya ang mga Chinese consumer na magbayad ng malaki para sa mga durian products ng bansa, kung saan minsan ay umaabot pa ng hanggang 700% na mas mataas kaysa sa presyo nito dito sa bansa.
Sa unang kalahating bahagi ng 2023, nakapag-export ang Pilipinas ng hanggang 481,471 kgs ng durian papuntang China. Ito ay nananatiling mababa kumpara sa durian export ng ibang mga bansa.
Sa kasalukuyan kasi ay hawak ng Thailand ang may pinakamalaking bulto ng export papuntang China na may 600.78 million kgs.
Sunod naman dito ang Vietnam na may 187.09 million kgs.
Ayon sa DTI official, target nitong makuha ang pinakamalaking share sa durian importation ng China.
Ang unang shipment ng durian mula sa Pilipinas papunta sa China ay nangyari noong Abril matapos magkasundo ang Pilipinas at China para sa trade ng durian sa pagitan ng dalawa.