Inihihirit ng Department of Agriculture ang mas mataas na budget para sa 2025.
Ito ay upang mapalawak pa ang mga programa nito para sa mga magsasaka ng bansa, kabilang na ang mga post-harvest facilities at farm-to-market roads sa bansa.
Ang dalawang nabanggit na programa, ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ay bahagi ng ginagawang istratehiya para matugunan ang mga production loss sa mga sakahan dala ng ibat ibang mga problema at kalamidad.
Kabilang sa panukala ng DA ay ang P13.1 billion na pondo para sa mga makinarya, post-harvest machinery, pasilidad, at mga kagamitan.
Ang naturang pondo ay mahigit trriple kumpara sa kasalukuyang nakalaan na pondo na nasa P4.2 billion lamang.
Kasama rin dito ang P50 billion na pondo para sa mga farm-to-market road projects ng ahensiya na komukunekta sa mga sakahan patungo sa mga pangunahing lansangan para sa mas maayos na transportasyon.
Hiniling din ng ahensiya ang hanggang P200 billion na pondo para sa irigasyon na na pinamamahalaan ng National Irrigation Administration sa ilalim ng Sa ilalim ng DA.
Katwiran ng ahensiya, malaki ang maitutulong ng mga naturang proyekto bilang pagpapalakas sa agricultural production at pagpapatatag sa food security ng bansa.