Kasabay ng inaasahang mas mataas na pondong matatanggap ng mga lokal na pamahalaan sa susunod na lingo, pinaalalahanan ni Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) president at Quirino Governor Dax Cua ang mga local leaders na gamitin at gastusin ang pondo para sa kapakanan ng mga residente.
Sa isang mensahe, sinabi ni Cua na maaaring gamitin ng mga LGU ang karagdagang pondo para ayusin ang mga social services na mapapakinabangan ng publiko, lalo na ang mga mahihirap.
Dagdag pa nito, kailangan ng mga programang magbebenepisyo sa mga constituents. Kailangan din aniyang mailipat ang pondo sa mga programang magbibigay ng konkretong pagbabago sa buhay ng mga residente.
Batay sa naunang pahayag ng Department of Budget and Management, ang national tax allocation (NTA) para sa mga LGU sa susunod na taon ay PHP1.03 trillion.
Ito ay mas mataas ng 18.7% mula sa kasalukuyang P871.38 billion.
Ang mas mataas na share ay dahil na rin magandang pagrekober ng ekonomiya ng bensa.
Giit ni Cua dapat ay gamitin ang mga pondo sa paraang mararamdaman ng mga constituents ang progreso ng bansa.