-- Advertisements --

Maaaring magsimula sa huling bahagi ng Hunyo ang unti-unting pagkabuo ng mga bagyong malapit sa Philippine area of responsibility (PAR) at makaapekto sa lagay ng panahon sa ating bansa.

Ayon kay Pagasa Deputy Administrator Jun Dalida, mas malalakas ang bagyong darating ngayong 2019.

Dulot umano ito ng mainit na karagatan dahil sa umiiral na El Nino phenomenon.

Inihalintulad ng Pagasa ang uri ng bagyong mga dadaan sa bansa na kagaya ng tropical cyclone Ondoy na kumitil ng maraming buhay at nagpalubog sa Metro Manila.

Samantala, ngayong araw magiging maulap hanggang sa may mga biglaang pagbuhos ng ulan sa malaking parte ng ating bansa.