-- Advertisements --
Makakaranas na ng malamig na klima ang bansa simula sa susunod na linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang nasabing malamig na panahon ay bunsod ng epekto ng northeast monsoon o amihan.
Base kasi sa monitoring ng PAGASA nakitaan nila ang lumalakas na high-pressure system sa East Asia na nakakaimplluwensya sa weather patterns sa bansa.
Inaasahan din ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas kasama na ang Metro Manila.
Magugunitang noong Oktubre 7 ng ideklara ng PAGASA ang opisyal na pagtatapos na ng southwest monsoon.