Naniniwala si Labor Sec. Silvestre Bello na kailangan na mabigyan ng karagdagang kapangyarihan ang kanyang opisina para maresolba ang influx ng illegal foreign workers sa bansa.
Sinabi ni Bello na dapat may kapangyarihan ang labor department na magpataw ng multa sa mga illegal workers mula P10,000 hanggang P100,000 at makansela o masuspinde ang prangkisa ng isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na employer ng foreign nationals na walang Alien Employment Permits.
Ayon sa kalihim, sa ngayon ang mga POGOs ay governed ng isang executive order na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang 2017.
Nauna nang sinabi ng Department of Finance na aabot sa P22 billion kada tan ang lugi ng pamahalaan dahil sa mga hindi nababayarang income taxes ng illegal foreign workers sa mga POGOs.